Binabalangkas na ng US democrats ang panukala para mas mapabilis ang pagsasampa ng kaso laban sa mga abusadong pulis sa Amerika.
Kasunod na rin ito nang malawakang protesta matapos masawi ang Black American na si George Floyd sa custody ng mga pulis sa Minneapolis.
Hindi pa naman tiyak kung ang panukalang Justice in policing act of 2020 ay susuportahan ng Republican Senators na siyang may kontrol sa Senado.
Ang nasabing panukala ay isinulong mismo ni House Speaker Nancy Pelosi, Senate Minority Leader Chuck Schumer, black senators kamala harris at cory cooker at mga miyembro ng Congressional Black Caucus.
Bago ipinakilala ang panukala isa-isang binasa ni Pelosi ang mga Black American na nasawi sa kamay ng mga kapulisan sa Amerika.