Binalikan ng Chinese Embassy ang Pilipinas sa anito’y akusasyon laban sa bagong batas sa China.
Binigyang diin ng Chinese Embassy na ang nasabing batas o pagpapahintulot sa Chinese Coast Guard na magpaputok sa foreign vessels ay sang-ayon sa mga umiiral na international convention at hindi nakatuon sa alinmang bansa.
Sinabi ng embahada na ang pagpapatupad ng nasabing kontrobersyal na batas ay hindi indikasyong may pagbabago sa maritime policy ng Beijing.
Binigyang diin ng embahada na nananatiling committed ang Beijing sa pagplantsa ng mga hindi pagkakaunawaan sa mga bansang may claim sa West Philippine Sea tulad ng Pilipinas, sa pamamagitan ng mga dialogue at konsultasyon para pagtibayin ang kapayapaan sa pinagtatalunang teritoryo.
Kasabay nito, binanatan din ng Chinese Embassy ang umano’y “fake news” laban sa Chinese Coast Guard na nang-harass umano sa mga mangingisdang Pinoy, partikular anito ang ilang nagpapakalat ng walang basehang balita na posibleng dahil sa pansariling interes o prejudice sa China.