Isang bagong batas sa paggawa sa UAE o United Arab Emirates ang inaasahang makapagbibigay ng benepisyo sa tinatayang 100,000 OFW’s o Overseas Filipino Workers doon.
Nakapaloob sa bagong labor law na sasakop sa lahat ng dayuhang manggagawa sa UAE na dapat lumampas ng sampung (10) araw ang delay ng pasuweldo.
Kabilang pa sa mga probisyon ng batas ang pagbibigay ng isang araw na day off na may bayad; labing dalawang (12) oras na pahinga sa loob ng isang araw; medical insurance at tatlumpung (30) araw na medical leave sa loob ng isang taon; round trip ticket pauwi ng kanilang bansa kada dalawang taon; disenteng pagkain at tirahan o tulugan; at karapatang hawakan ang kanilang pasaporte at iba pang dokumento ng pagkakakilanlan.
Kaugnay nito, nagpa – abot na ng pasasalamat si Ambassador to Abu Dhabi Constancio Vingno kay UAE President, his highness Sheikh Khalifa para sa naturang batas.