Balik-Pilipinas na ang 707 Overseas Filipino Workers at kanilang 49 na dependents mula United Arab Emirates.
Kahapon lamang nang makauwi ang ika-labing isang batch ng mga OFW sa tulong ng amnesty program ng Department of Migrant Workers.
Patuloy naman ang panawagan ng DMW sa mga overstaying Filipino doon na samantalahin na ang programa hanggang katapusan ng taon.
Sa ilalim ng UAE amnesty program, pinapayagan ang overstaying Filipinos at iba pang repatriates na umalis ng bansa ng walang multa o anumang parusa, maliban na lamang kung may kinakaharap ang mga itong kasong kriminal. - sa panulat ni Laica Cuevas