Dumating na sa Mindanao ang panibagong batch ng US Special Forces.
Ito ay sa kabila ng marubdob na panawagan ng Pangulong Rodrigo Duterte na paalisin na ang US Military Forces sa bansa at tuluyang pagputol nito sa relasyon ng Pilipinas sa Amerika.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Brig. General Restituto Padilla, ang naturang batch ay kapalit lamang ng nauna nang grupo na bumalik na sa Amerika.
Bigo namang banggitin ni Padilla kung ilan ang mga sundalong Amerikano ngunit ayon sa isang source ay nananatili ang bilang nito sa 107.
Binigyang diin ni Padilla na kinakailangan ng Armed Forces of the Philippines ang mga dayuhang sundalo dahil sa surveillance capabilities nito na wala pa ang Sandatahang Lakas.
By Rianne Briones