Kinoronahan na ang posibleng sumunod sa yapak ng reigning Ms. Universe 2015 na si Pia Alonzo Wurtzbach.
Ito’y makaraang tanghalin bilang Binibining Pilipinas Universe ang 25-anyos na si Maria Mika Maxine Medina.
Tinalo ni Medina ang mga nangungunang sina Kylie Verzosa na tinanghal na Binibining Pilipinas International at Nichole Marie Manalo na tinanghal naman bilang Binibining Pilipinas Globe.
Hinirang din bilang Binibining Pilipinas Supranational si Joanna Deapara habang si Nicole Cordoves naman ang itinanghal bilang Binibining Pilipinas Grand International.
Habang sina Angelica Alita at Jehza Huelar naman ang itinanghal bilang first at second runner up.
Mismong si Wurtzbach ang nagputong ng korona kay Medina kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
By Jaymark Dagala