Inihain na ni Senator Alan Peter Cayetano sa Senado ang isa pang bersyon ng panukala na magbibigay tulong pinansiyal sa mga Pilipinong naapektuhan ng pandemya.
Ito ay ang “Sampung Libong Pag-asa Law” na magbibigay ng P10-K kada pamilya o tig-P1-K kada miyembro nito.
Magiging iba ang panukala sa Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development pero malilikha pa rin sa ilalim nito.
Prayoridad dito ang pinakamahihirap na pamilya sa bansa kabilang ang mga Senior citizens, PWDs, solo parents, displaced workers, drivers at operators, magsasaka at iba pang kabilang sa vulnerable sector.