Isasalang sa plenaryo ng senado ang naamyendahang bersyon ng Bangsamoro Basic Law o BBL.
Inaasahang bukas, araw ng Miyerkules, sisimulan ni Senador Bongbong Marcos, Chairman ng Senate Committee on Local Government ang kanyang sponsorship speech para sa ginawa niyang bagong bersyon ng BBL.
Labing pito (17) nang senador ang lumagda sa bagong bersyon ng BBL subalit 15 dito ang nagpahayag ng reservation.
Inasahang sa susunod na linggo ay masisimulan na ang debate para sa bagong BBL version.
By Len Aguirre