Inilunsad na ng pamahalaan ang Anti-Illegal Drugs Advocacy Program na tinawag na Buhay ay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA).
Inilarawan ito ni Interior secretary Benhur Abalos bilang bagong-bihis na drug war na “pinaigting at mas holistic campaign.”
Sa launching ng BIDA Program sa Quezon Memorial Circle, inihayag ni abalos na kasama sa programa ang mga local government unit, national government agency at iba pang miyembro ng sektor ng lipunan.
Makakatuwang nila ang Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency, National Bureau of Investigation at iba pang Drug enforcement agencies.
Tatargetin anya sa BIDA program ang pinaka-ugat ng iligal na droga habang makikipagtulungan ang mga nasabing ahensya sa mga Barangay, Simbahan, Religious communities at mga Pamilya.
Ito’y upang tugunan ang problema sa iligal na droga at i-rehabilitate ang mga durugista.
Samantala, katuwang ang Departments of Social Welfare and Development at Health sa rehabiLitation Programs habang magbibigay ng kabuhayan ang Department of Trade and Industry at tutulong sa paghahanap ng job opportunities ang Department of Labor and Employment.