Tiniyak ng bagong British Prime Minister na si Rishi Sunak na plantsahin nito ang mga gusot na naiwan ng resigned prime minister na si Liz Truss.
Sa isinagawang unang pulong matapos ang pormal na pa-upo sa posisyon, inamin ni Sunak na hindi magiging madali ang pagharap sa economic crisis ngunit tiniyak nito na gagawin niya ang lahat para maayos ang mga iniwang problema ng dating administrasyon.
Magugunitang, nagbitiw si Truss sa puwesto sa gitna ng economic meltdown na idinulot ng kanyang tax cut orders.