Inaasahang maseselyuhan ang panibagong business agreements para sa Pilipinas sa nakatakdang pag-biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Tokyo, Japan ngayong linggo, para dumalo sa ASEAN-Japan Commemorative Summit.
Sa pre-departure briefing sa Malakanyang, inihayag niDFA Office of Asean Affairs Assistant Sec. Daniel Espiritu na magkakaroon ng bilateral business meetings sa sidelines ng summit, at pangungunahan ito ng Dep’t of Trade and Industry.
Gaganapin din ang roundtable meeting para alamin ang progreso ng investment pledges at agreements na nalikom sa naunang Japan trip ng pangulo noong pebrero.
Ilan sa business agreements na posibleng malagdaan ay nasa creative economy sector, at ibinahagi rin ni Espiritu na magkakaroon ng fashion show kung saan itatampok ang pagsasama ng Filipino at Japanese fabrics.
Inaasahan din ang business deals sa information technology sector. - sa panulat ni Jeraline Doinog