Pinasinayaan ni PNP chief Police General Camilo Pancratius Cascolan ang multi-level carpark building sa Camp Crame ngayong araw.
Ito ay mayroong 462 car park slots na layuning masolusyunan ang problema sa parking space sa loob ng kampo.
Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Esmael Yu, nagkakahalaga ng 153.71 milyong piso ang proyekto sa ilalim ng PNP Trust Receipts Fund.
Magkakaroon anya ng minimal fee ang paggamit sa pasilidad.
Samantala, itinatayo rin 5-storey multi-purpose building and carpark project na pinondohan ng DPWH kung saan mayroon itong 176 parking slots, 12 function halls at concessionaire stalls.