Binuksan ng Office of the Vice President ang bagong central office nito sa Mandaluyong City.
Pinangunahan ni Vice President Sara Duterte kahapon ang isinagawang blessing at ribbon-cutting ceremony sa bago nitong opisina.
Ayon kay VP Sara, maraming mga programa at proyekto na ipatutupad ang OVP at hindi lamang aniya ito para sa National Capital Region kundi maging sa Visayas at Mindanao.
Kabilang aniya sa mga programa ng OVP ang Medical and Burial Assistance, Pagbabago Campaign, Libreng Sakay, at Peace 911.
Ipapatupad naman sa susunod na taon ang Magnegosyo ‘Ta Day Peace at Livelihood Projects.
Mababatid na mayroong pitong satellite offices ang OVP sa Dagupan, Cebu, Tacloban, Zamboanga, Davao, Surigao Del Sur, at Bacolod.