Walang epekto sa bansa ang panibagong klasipikasyong inilabas ng UN commission sa marijuana.
Ibinilang na kasi ang marijuana bilang hindi gaanong mapanganib na gamot ayon sa UN commission.
Ayon kay Dangerous Drugs Board Chairman Catalino Cuy walang magiging epekto ito sa bansa dahil may sarili pa ring hurisdiksyon ang gobyerno para sa klasipikasyon at pagre-regulate ng naturang cannabis.
Giit ni Cuy, mananaig pa rin ang ating domestic laws kung saan ibinibilang ito na highly-addictive at posibleng magdulot ng negatibo sa kalusugan.
Una rito, 53 miyembro ng UN commission on narcotic drugs ang pumabor sa naging reclassification ng marijuana.