Nagtalaga na ang Pangulong Noynoy Aquino ng bagong commissioner ng Climate Change Commission.
Hinirang ng Pangulong Aquino si Emmanuel de Guzman bilang bagong Climate Change Commissioner kapalit ni Naderev Saño na nagbitiw sa puwesto noong Abril.
Pinirmahan ng Presidente ang appointment papers ni de Guzman noong Hulyo 25 at magsisilbi itong Climate Change Commissioner hanggang Pebrero 15, 2016.
Si de Guzman ay dating consultant ng United Nations International Strategy for Disaster Reduction o UNISDR.
By Meann Tanbio