Itinalaga na ni Pangulong Noynoy Aquino Bilang Ad Interim Commissioner ng Commission on Audit si Atty. Isabel dasalla-Agito.
Kinumpirma ni Executive Secretary Paquito Ochoa na si Agito ang uupo sa binakanteng posisyon ni Commissioner Heidi Mendoza.
Si Agito ang nagsilbing Senior External Auditor ng United Nation Board of Auditors at resident auditor ng iba’t ibang government agencies.
Magugunitang itinalaga si Mendoza noong October 2015 bilang head ng internal oversight office ng U.N. sa New York, Amerika para sa five-year non-renewable term.
By: Drew Nacino