Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Davao-based official na si Marlon Casquejo bilang bagong commissioner ng Commission on Elections o COMELEC.
Papalitan ni Casquejo ang binakanteng posisyon ni Retired Commissioner Christian Robert Lim.
Si Casquejo ay dating Assistant Regional Director ng COMELEC-Davao.
Siya ngayon ay may pitong taong termino na magtatapos sa Pebrero ng 2025.
Si Casquejo ay ang ikatlong appointee ni Duterte sa naturang komisyon.
—-