Makikipag-ugnayan na ang Manila Water sa government panel upang talakayin ang bagong ipinapatupad na concession agreement.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, bago matapos ang buwan ay natapos na rin nilang talakayin ang naturang kasunduan.
Ipinabatid ng Department of Justice (DOJ), nakapaloob sa usapin ay ang mga pinansiyal at komersyal ng Manila Water.
Minsan na rin pinatutsadahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga water concessionaires dahil sa mga maling pamamalakad na nakaapekto sa milyong-milyong Pilipino.
Samantala, handa namang makipag-ugnayan sa bagong concession agreement ng gobyerno ang Manila Water at Maynilad. — Sa panulat ni Rashid Locsin.