Pumalo na sa 6,437 ang panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Batay sa pinakahuling tala ng Dept. of Health (DOH) nasa kabuuang 1, 339, 457 angkaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa bilang na ito, nasa kabuuang 1,257,774 na ang bilang ng mga nakarekober, habang nasa 23, 276 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos na makapagtala ng 155 na bagong mga namatay dahil sa COVID-19, kahapon.
Sa ngayon, nasa 58,407 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa mga aktibong kaso, 91.8% sa mga ito ang mild cases, 3.8 %ang asymptomatic, 1.30% ang moderate, 1.8% ang severe cases at habang 1/3% naman ang nasa kritikal na kondisyon.