All-time high na naman ang naitalang panibagong COVID-19 cases sa bansa kahapon.
Ayon sa DOH, umabot na sa 10,623 ang bagong kaso ng COVID-19, kaya’t lumobo sa 74,297 ang active cases habang tinaya sa 1,638,345 ang kabuuang kaso.
Ito na sa ngayon ang pinaka-mataas na COVID-19 cases na naitala sa nakalipas na tatlong buwan o simula noong Abril 3 kung saan umabot sa 15,310 ang kaso ng naturang sakit.
Nakapagtala naman ng 3,127 na panibagong gumaling habang 247 na ang namatay kaya’t sumampa na sa 1,535,375 ang total recoveries at 28,673 ang kabuuang fatalities.
Isang laboratoryo naman ang hindi operational noong Agosto 4 habang 5 ang hindi nakapagsumite ng datos.—sa panulat ni Drew Nacino