Naglabas kahapon ng bagong COVID-19 vaccination schedule ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) para sa dalawang istasyon ng Light Rail Transit Line 2.
Ayon sa LRTA, isasagawa tuwing Lunes mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon para sa mga may nais na magpabakuna kontra COVID-19.
Maaari ding i-avail ang first at second dose maging ang booster doses para sa mga indibidwal na edad 18 pataas.
Ang naturang proyekto sa mga istasyon ng tren ay naging posible dahil sa pagtutulungan ng Department of Transportation (DoTr), LRTA, LRT-2, Antipolo City Government at ng Quezon City Government.