Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pang nade-detect ang Philippine Genome Center (PGC) sa bansa na bagong variant ng COVID-19 mula United Kingdom (UK).
Gayunman, nilinaw ng ahensya na lahat ng positibong RT-PCR o swab test specimens mula sa mga bansang may UK Covid-19 variant ay sasailalim sa tinatawag na ‘genome sequencing’ simula ika-4 ng Enero.
Sisikapin din ng PGC na mailalabas agad ang resulta ng kanilang pagsusuri sa lalong madaling panahon.