Magpapatupad na ang pamahalaan ng bagong COVID-testing at quarantine protocols sa mga papasok ng bansa mula sa ibayong dagat simula sa February 1.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, lahat ng mga byaherong magtutungo sa Pilipinas saan mang bansa ito galing ay kailangang dumaan sa facility-based quarantine.
Sa ikalimang araw aniya ng byahero simula sa araw ng pagdating nito sa bansa, kailangan nitong sumailalim sa RT-PCR test maliban na lamang kung maagang magpapakita ito ng sintomas habang nasa quarantine.
Kapag nagnegatibo ang resulta, i-endorso na ang mga ito sa kani-kanilang local government units at patuloy na imo-monitor para sa nalalabing araw ng kanilang 14 day quarantine.