Idineklara na ng World Health Organization (WHO) bilang variant of concern ang bagong B.1.1.529 COVID-19 variant na nadiskubre sa South Africa.
Pinangalanan na rin ito ng WHO bilang Omicron variant.
Ang deklarasyon na isa ng variant of concern ang nasabing strain ng COVID-19 ay indikasyon na maaaring mas nakahahawa o hindi gaanong tinatablan ng bakuna ang Omicron.
Nangangahulugan din itong mayroong genetic changes na posibleng maka-apekto sa katangian ng virus gaya ng transmissibility, disease severity o abilidad na malusutan ang mga bakuna o gamot.
Sa kabila nito, nilinaw ng WHO na nananatiling dominante ang Delta variant. —sa panulat ni Drew Nacino