Nakatakdang magpatupad muli ng bagong ordinansa sa curfew sa mga kabataan ang pamahalaang lungsod ng Maynila.
Ito ay matapos na ibasura at ideklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang curfew sa Maynila.
Ayon kay Manila Mayor Joseph Erap Estrada, kanya nang inatasan ang sangguniang panglungsod na madaliin ang pagpasa sa nasabing bagong ordinansa.
Pagtitiyak ni Estrada, ang bagong binabalangakas na curfew ordinance sa lungsod ay hindi lalabag sa karapatan ng mga menor de edad at mga magulang, at kanila ring hihingan ng opinyon ang publiko.
Dagdag ni Estrada, pangunaging layunin pa din nito ang mapangalagaan ang seguridad ng mga kabataan.
Sinabi naman ni Manila Councilor Ricardo Isip Jr., principal author ng bagong ordinansa sa curfew, pumasa na ito sa first reading sa konseho at nakatakda nang isalang sa public hearing simula sa Biyernes.