Magsisimula na ang unti-unting pagpapatupad ng binagong curriculum para sa senior high school sa school year 2025-2026.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, mas maaga itong sisimulan kumpara sa orihinal na plano.
Sa ilalim aniya ng nasabing curriculum, babawasan na lamang sa lima hanggang pito ang core subjects mula sa 15.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng Kalihim na mayroong kalayaan ang mga paaralan, lalo na ang mga pribado, na magdagdag ng electives batay sa pangangailangan ng mga estudyante.
Nabatid na layon ng nasabing curriculum na bigyan ang mga mag-aaral nang higit na kalayaan na pumili ng mga asignaturang angkop sa kanilang pipiliing propesyon. – Sa panulat ni Kat Gonzales