Hinimok ng bagong Customs Commissioner na si Isidro Lapeña ang publiko na arestuhin ang mga personnel ng Bureau of Customs na gagamit sa kanyang pangalan sa kanilang mga iligal na transaksyon.
Sa kanyang unang flag-raising ceremony bilang B.O.C. Chief, inihayag ni Lapeña na agad din niyang sisibakin sa serbisyo ang sinumang customs personnel na mapapatunayang tiwali gaya ng kanyang ginawa sa Philippine Drug Enforcement Agency.
Samantala, plano naman ni Lapeña na italaga si PDEA National Capital Region Director Wilkins Villanueva bilang head ng Customs Intelligence and Investigation Service.
Itinalaga si Lapeña bilang PDEA Director bago ini-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Aduwana kapalit ni Nicanor Faeldon na nakaladkad sa issue ng 6.4 Billion Peso smuggled shabu na nakalusot sa customs mula China.
By: Drew Nacino
SMW: RPE