Binuksan na ang bagong daungan ng mga barko sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.
Sa pamamagitan ng isang seremonya, pinasinayaan ang daungan na pinangunahan ng mataas na opisyal ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Samantala, makikita sa nasabing seremonya ang mga nakapaligid na pinaniniwalaang kasapi ng Chinese maritime militia.