Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Interior and Local Government o DILG Officer in Charge Catalino Cuy bilang bagong Chairman ng Dangerous Drugs Board o DDB.
Papalitan ni Cuy si dating DDB Chairman Dionisio Santiago na sinibak dahil umano sa pagbibigay ng maling impormasyon ukol sa ipinatayong mega drug rehabilitation center ng pamahalaan sa Nueva Ecija.
Samantala, magsisilbi namang Officer in Charge ng DILG ang Undersecretary ng ahensya na si Eduardo Año.
LOOK: Appointment of Cuy as DDB Chairman and Año as DILG-OIC. | via @jopel17 pic.twitter.com/wR49sORGwt
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 5, 2018
(Ulat ni Jopel Pelenio)