Binago ng Department of Environment and Natural Resources-climate change service at gender and development office ang deadline para sa pagpapasa ng mga entry sa mga kwentong klima-likasan recognition awards at sining-likhasan nationwide short film competition ngayong taon.
Mula sa dating hanggang November 5 na lamang ay itinakda na ito sa November 15 at 12
Ayon kay DENR undersecretary Analiza Rebuelta-Teh, layunin ng naturang awarding na kilalanin ang mga kuwento ng mga indibidwal, grupo, at mga yunit ng lokal na pamahalaan ng probinsiya sa pagtugon sa climate change at mga kalamidad kung saan makatatanggap ng cash prize ang mananalo.