Hindi pa maituturing na variant of concern ang Delta Subvariant na A-Y 4.2 na natuklasan sa United Kingdom.
Ito’y ayon kay World Health Organization Country Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe at sinabing patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga bansang mayroong mga kaso ng naturang Delta variant.
Patuloy din aniya ang pag-monitor ng WHO sa kung ano ang posibleng reaksyon nito sa COVID vaccines.
Samantala, pinaalalahanan naman ng WHO ang publiko na mag-ingat at sumunod pa rin sa public health standards. —sa panulat ni Hya Ludivico