Maaaring payagan ng bagong Environment Secretary Roy Cimatu ang pagmimina sa bansa kung ginagawa ito sa maayos at responsableng paraan.
Ayon kay Cimatu, sisilipin niya ang mga minahang ipinasara ni dating Department of Environment and Natural Resources o DENR Secretary Gina Lopez at aalamin kung maaaring mag-operate muli ang mga ito lalo ang mga nickel mine.
Ang Pilipinas ang nangungunang nickel ore producer sa mundo kaya’t malaki ang epekto sa ekonomiya ng bansa ang pagsasara ng mga nickel mine.
Nais naman ni Cimatu na makaharap si Lopez upang alamin ang mga kuru-kuro nito sa mga polisiyang ipatutupad ng kagawaran.
By Drew Nacino