Magsasampa ng bagong diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China.
Ito ayon sa DFA ay dahil sa anito’y panananatili pa rin sa West Philippine Sea ng 150 Chinese vessels sa vicinity ng Iroquois reef.
Pinakilos na rin ni DFA Secretary Teddy Boy Locsin ang paghahain ng protesta laban sa anito’y incessant at unlawful restriction ng China sa mga mangingisdang Pilipino sa Bajo de Masinloc.