Tinutulan ng isang grupo ng mga guro ang plano ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) hinggil sa bagong disenyo ng 1,000 peso bill.
Ayon kay Teachers Dignity Coalition (TDC) National Chairperson Benjo Basas, ang mga bayaning nagbuwis ng buhay ang sumasagisag sa Pilipinas bilang isang bansa.
Sa bagong disenyo ng pera, pinalitan ng imahe ng Philippine Eagle ang mukha ng mga bayani na sina Josefa Llanes Escoda, Vicente Lim at Jose Abad Santos.
Giit ni basas, “tinanggal” na nga ang pagtuturo ng kasaysayan ng Pilipinas sa high school gayundin ang wika at literatura sa kolehiyo, at ngayon naman aniya ay tila binura ng bsp ang alaala ng tatlong martir ng World War 2.
Aniya, tila plano talaga gobyerno na ihiwalay ang mga Pilipino sa kanilang kakayahan at lumimot sa nakaraan.
Kaugnay nito, nanawagan ang grupo sa BSP na huwag nang ituloy ang naturang hakbang.