Kumakalat ngayon sa China ang isa na namang Novel virus na Langya Henipavirus o Layv.
Ayon sa mga siyentipiko ang nasabing virus ay nagmula sa mga hayop at nailipat sa mga tao, matapos suriin ang wild animals at nakita ang Layv viral RNA sa mga shrew.
Mababatid na ang China rin ang bansang pinagmulan ng global pandemic na Coronavirus disease.
Samantala, umakyat na sa 35 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na tinamaan ng nasabing sakit bago natukoy na ang virus ay mula sa kaparehong pamilya ng nakamamatay na Nipah at Hendra virus.