Mahusay ang pagkakapili ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Agriculture Undersecretary Bernadette Romulo Puyat bilang bagong kalihim ng Department of Tourism o DOT.
Ayon kay Senadora Grace Poe, may sapat na academic at professional credentials si Puyat na pinatunayan aniya nito sa paninilbihan bilang isang maaasahan at tapat na opisyal ng pamahalaan mula sa mga nakalipas pang administrasyon.
Tiwala rin si Poe na mahusay na maitataguyod at maipakikila ni Puyat ang industriya ng turismo sa bansa katulad aniya ng nagawa nito sa mga lokal na pagkain at produkto ng iba’t ibang probinsya habang ito ay nasa Department of Agriculture o DA.
Sinabi naman ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto na bata pa lamang si Puyat ay kilala na niya ito kaya naniniwala siyang mahusay na magagampanan nito ang kanyang bagong tungkulin.
Igiiit ni Sotto, matalino at malinis ang record sa panunungkulan sa gobyerno bukod pa aniya sa anak ito ng isang mahusay na public servant na si dating senador at Foreign Affairs Secretary Bert Romulo.
Photo From Berna Romulo Puyat/ Facebook