Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang sesertipikahan bilang urgent ang bagong draft ng Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte matapos niyang tanggapin sa Malacañang ang kopya ng panukalang BBL, kahapon.
Ayon sa Pangulo, dapat mapabilis ang pagpasa sa BBL upang tuluyan ng magwakas ang rebelyon at magbigay daan sa pag-unlad ng Mindanao.
Isinumite ng Bangsamoro Transition Commission sa pangunguna ng Moro Islamic Liberation Front ang proposed BBL isang linggo bago ang ikalawang State of the Nation Address o SONAng Pangulo.
Joint communication plan
Isang joint communication plan ang nilagdaan ng peace panels ng gobyerno at MILF para maisulong ang ratification ng BBL o Bangsamoro Basic Law.
Winelcome ni GPH Implementing Panel Chair Irene Santiago ang nasabing plano dahil maituturing aniyang ultimate goal nila ay magpatuloy ang positibong public opinion sa BBL at makakuha ng suporta sa pagpapatupad ng Bangsamoro Transition Authority sa July 2018.
Sa ilalim ng joint communication plan, bubuo ng iisang mensahe ang GPH at MILF para maipaabot pa sa taumbayan ang mga positibong dulot ng BBL.
Kabilang sa communication plan ang paggawa ng information campaign materials tulad ng flyers, brochures at advertisements, pagsasagawa ng seminar, workshop at social experiments.
Bukod pa ito sa gagawing website at social media accounts.
Binigyang diin ni Santiago na pinanghahawakan nila ang suporta ng publiko sa BBL base na rin sa resulta ng survey ng SWS na nagsasabing mas maraming Pilipino ang sang-ayong mapag-iisa ang mga Pilipino kapag nabigyan ng tunay na awtonomiya ang Bangsamoro.
By Drew Nacino / Judith Larino
Bagong draft ng BBL sesertipikahang urgent was last modified: July 18th, 2017 by DWIZ 882