Minomonitor na ng Department of National Defense o DND ang pagkilos ng pinakabago at pinakalamaking dredging vessel ng China.
Ito ang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos amining posibleng magdulot ng matinding pangamba sa Pilipinas kung ipadadala sa West Philippine Sea ang nasabing dredger vessel ng China.
Ayon kay Lorenzana, nakatanggap na sila ng ulat kaugnay ng pagpapasinaya sa nasabing dredger vessel bagama’t hindi pa nila batid kung saan ito ipadadala.
Tiniyak naman ni Lorenzana na nakaalerto ang puwersa ng DND sa mga islang okupado ng bansa sa West Philippine Sea kaya agad nilang malalaman kung ipadadala ito sa nasabing teritoryo.
Ang Tian Kun Hao na pinabagong dredger vessel ng China ay kasing laki ng siyam na basketball court at naisalang na sa water testing sa Jiangsu kamakailan.
—-