Ipinag-utos ng Korte Suprema sa lahat ng hukuman sa buong bansa na i-refer ang mga drug dependents sa bagong drug facility sa Nueva Ecija.
Sa ipinalabas na kautusan ni Court Administrator Jose Midas Marquez, dapat na irekomenda ng mga korte na sumailalim ang mga drug abuser at dependents na kinakailangan ng treatment sa mega drug abuse treatment and rehabilitation center sa Fort Magsaysay sa Palayan City.
Alinsunod na rin ito sa naging kahilingan ng Department of Interior and Local Government o DILG.
Ang naturang 10,000 bed rehabiliation facility ay kabilang sa mga prayoridad na proyekto sa ilalim ng administrasyong Duterte kasunod na rin ng inilargang kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.
By Rianne Briones
Bagong drug rehab facility sa Nueva Ecija bukas na was last modified: June 12th, 2017 by DWIZ 882