Ibinunyag ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang panibagong grupo na nasa likod ng kalakalan ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prison o NBP.
Sinabi ni PDEA Director Jigger Montalla na may namo-monitor sila ngayon na bagong grupo ng drug trader sa Bilibid na pawang mga Chinese national.
Tiniyak naman ng PDEA na tinututukan at binabantayan nila ang bawat galaw ng hindi pinangalang grupo.
Kaugnay nito, hindi naman itinanggi ni Justice Undersecretary Antonio Kho ang pagkakaroon ng mga bagong drug trader sa NBP.