Tukoy na ng militar ang kinaroonan ng sinasabing bagong lider ng Maute Group.
Si Abu Dar na dating sub-lider ni Isnilon Hapilon sa Marawi siege ang di umano’y bagong lider ng Maute at nahirang na ring emir ng ISIS sa Southeast Asia.
Ayon kay Major Ronald Suscano, Spokesman ng 1st Infantry Division ang perang nakulimbat nila sa Marawi City ang ginagamit ni Dar sa pag-rerecruit ng mga bagong miyembro.
Base aniya sa intelligence report, namamataan sa Pagawayan Lanao del Sur si Dar kasama ang kanyang sub-leaders.
Sampu di umano ang sub-leaders ni Dar, kabilang si Nasser Lomondot na nahuli kamakailan sa Maynila.
Sinabi ni Suscano na patuloy ang monitoring nila sa mga aktibidad ni Dar at tumitiyempo lamang bago magsagawa ng operasyon laban sa mga terorista.
—-