Mailalagay na ang mga bagong escalators sa lahat ng istasyon ng Metro Rail Transit o MRT Line 3 sa susunod na buwan.
Ayon kay Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya, nai-award na ang kontrata para sa 12 schindler escalators na ilalagay sa bawat istasyon ng tren.
Gayunman, sinabi ni Abaya na mananatiling problema pa rin ng mga pasahero ang mga sirang elevator dahil sa obsolete o lumang teknolohiyang ginagamit dito.
Sa halip aniya kasing palitan ang sirang piyesa, mas mainam na palitan na lamang ang kabuuan ng mga elevators na gagamitan ng makabagong teknolohiya.
Sa huli, muling humingi ng pang-unawa si Abaya sa publiko hinggil sa mga nararanasang problema sa MRT.
By Jaymark Dagala