Binuksan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ika-12 estasyon ng Pasig River Ferry sa N.Cuevas Street sa nabanggit na lungsod.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, makakatulong ang alternative transportation system tulad ng River Ferry sa pagbibiyahe ngayong pandemya.
Bukod dito, libre pa rin aniya ang pagsakay sa ferry nang magbalik-operasyon ito noong Abril.
Bukas naman ang serbisyo ng naturang sasakyan mula Lunes hanggang Sabado na may bumibyaheng 9 na ferry boats kada araw.
Samantala, inaasahan pa ng MMDA na magbubukas sila ng dalawang karagdagang estasyon sa Quinta sa Maynila at Marikina. —sa panulat ni Airiam Sancho