Naglabas si Cebu Governor Gwen Garcia ng bagong Executive Order na nagbabawal na lumangoy o mag swimming at mga katulad na aktibidad sa lahat ng lugar na sakop ng bayan ng Cordova.
Ito’y matapos kumpirmahin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)ang pagkakaroon ng fecal coliform sa pamamagitan ng ambient coastal water sampling sa lugar ng Barangay Catarman.
Una nang naglabas ng katulad na abiso ang Department of Health (DOH) ngunit sakop lamang ang partikular na barangay ng Catarman.
Nag-ugat ang bagong kautusan sa pakikipagpulong sa mga may-ari ng mga floating cottage na tumangging tanggalin ang kanilang mga istruktura.
Sa pagpupulong, binigyan sila ng gobernador ng hanggang Oktubre 5 bago magpadala ng mga demolition team.