Posibleng ilabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang bagong sistema ng singilan sa pasahe ng taxi ngayong linggo.
Ayon sa LTFRB, ipapako sa P40 ang flagdown rate pero may dagdag-bayad na ang “distance travelled” o “running time” na aabot sa P12 hanggang P14 pesos kada kilometro.
Magkakaroon na rin ng singil sa tinatawag na “on-board time” o panahong nakahinto sa trapik ang taxi na aabot naman sa P2.50 hanggang P3.50 kada minuto.
Nag-ugat ang fare increase sa serye ng price hike ng mga produktong petrolyo sa nakalipas na dalawang buwan partikular ng gasolina.
—-