Target ng pamahalaan na mapatakbo na ang mga bagong ferry boats na bumabagtas sa Pasig River bago mag-Pasko.
Inihayag ito ni Budget Secretary Benjamin Diokno matapos aprubahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong ferry system para sa Ilog Pasig.
Ayon kay Diokno, tatlong kumpanya na ang nagpahayag ng interes na hawakan ang operasyon ng ferry system kaya’t posibleng isagawa na ang bidding para dito sa Agosto o Setyembre.
Sa ngayon aniya ay sinisimulan na ng pamahalaan ang paglalagay ng dagdag na dalawampu’t siyam (29) na istasyon mula sa kasalukuyang labing dalawang (12) istasyon ng ferry system.
“Put up a ‘yung reliable talaga na ferry system sa Pasig, ang plano namin ay 24 boats, 50 capacity per boat, ang waiting time will be every 15 minutes, sa Marikina, Makati papuntang Intramuros, so mga 45 minutes ‘yung biyaheng ‘yun, malaking kaginhawaan ito sa mga kababayan natin lalo na sa mga estudyante.” Pahayag ni Diokno
(Balitang Todong Lakas Interview)