Isang bagong Fifth Generation Lightweigth Single-Engine Figther Jet ang ipinakita sa publiko ni Russian President Vladimir Putin.
Ang naturang prototype stealth fighter ay tinawag na Checkmate.
Mayroon itong 1,500km combat radius na itinuturing na may largest thrust-to-weight ratio, bukod pa sa low visibility at high flight performance.
May kakayahan itong magdala ng mahigit pitong toneladang combat load na siyang absolute record para sa isang uri ng fighter jet.