Kumpiyansa si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana sa kakayahan ng bagong Navy chief na si Rear Admiral Adelius Bordado.
Ito’y kasunod ng pormal na pag-upo ni Bordado kahapon bilang ika-39 na Flag Officer in Command ng Navy, kapalit ng nagretiro nang si Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo.
Pinangunahan ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang change of command ceremony sa Naval Headquarters sa Maynila.
Ayon sa AFP chief, tiwala siyang mapagtutunan ng husto ni Bordado ang pagpapatupad ng reporma sa Navy lalo’t isinusulong din nito ang modernisasyon sa kanilang hanay.
Si Bordado ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Maringal Class of 1988 at nagsilbing vice commander ng Philippine Navy bago mahirang bilang bagong hepe nito.