Hindi kuntento ang isang political analyst sa format ng Commission on Elections (COMELEC) sa presidential debate.
Ayon kay Prof. Antonio Contreras ng De La Salle University, hindi sapat ang dalawang minuto para sa sagot ng isang presidential candidate at 30 seconds na rebuttal.
Pabor si Contreras na magkaroon ng townhall format kung saan dapat ay bigyan ng tig-isang oras ang bawat presidentiable na makapagsalita at sumagot sa mga panelist.
“Aside from the debate maghapon tayo, 4 na kandidato lang naman yan diba o lima, limang oras, ang isang kandidato isang oras, isang oras siyang nandun, tatanungin siya ng media, tatanungin siya ng tao, siya lang ang sumasagot, the next hour yung sunod naman, pero para hindi sila magkopyahan, yung 5 nasa lugar na insulated, 1 oras na gigisahin talaga sila from everything.” Pahayag ni Contreras.
By Meann Tanbio | Karambola