Aprubado na ang kauna-unahang gamot para sa Alzheimer’s disease matapos ang 20 taon sa Estados Unidos.
Ito ang Aducanumab kung saan tinatarget nito ang isang protein na bumubuo ng abnormal clumps sa utak ng isang tao na mayroong Alzheimer’s disease.
Noong taong 2019 ay itinigil ang international trials ng Aducanumab sa 3,000 pasyente dahil walang anumang improvements ang nakikita nito sa isang tao.
Ngunit nagsagawa muli ng pag-aaral ang Biogen na itaas ang paglalagay ng mataas na dosage ng Aducanumab at nakapagpapabagal umano ito ng cognitive decline.
Bukod dito, lumabas din sa pag-aaral na nasa 3-milyong indibidwal sa buong mundo ang nakakaranas ng Alzheimer kung saan nasa edad na 65 ang tinatamaan nito.
Maraming doktor rin ang nagdududa sa benepisyo ng Aducanumab ngunit ito’y inaprubahan na ng Amerika para mapalakas ang kanilang dementia research sa bansa.